6-year Undergrad, Underestimated

This slideshow requires JavaScript.

Sa mga delayed, shifter, irreg, actually sa kahit sinong estudyante, para sa inyo to.

DISCLAIMER: This is not a success story. It’s actually about failing.. failing to give up.

This won’t be the usual “In my 4 years in UST” etc. Maiba tayo. Naka 6 years ako eh.

Kung makakausap ko lang ang sarili ko 3 years ago, sa semester na sukong suko na ako, aking ibubulong:

Bagsak ka, pero ‘di ka bobo.

Preso ka, ‘di ng mapanghusgang mundo, kundi ng mababang tingin mo sa sarili mo.

Pero ‘di kita masisisi. ‘Yan din marahil ang pinaramdam sayo ng sistemang hawak ka sa leeg. ‘Di ka makawala. ‘Di pa. Natagalan pa.

Na-delay ka.

Pinanghinaan. Kinwestyon ang kakayahan. Angking talino ay nakalimutan.

Nanakawan ng kinabukasan. Naubusan ng pangarap. Naligaw na nang dahan-dahan.

Kaya mo ‘yan.

Susuportahan ka ng dati mong batchmates.
Tatanggapin ka ng mga bago mong kaklase.

Kaya mo ‘yan.

Gaganahan ka ulit mag-aral.
Babawiin mo ang nawala.

KAYA MO ‘YAN.

‘Wag natin kalimutan ang mga ate sa front desk na ‘di ka inasikaso, mga propesor na pinagmakaawaan mo at ang mga insensitibong taong nagpahiya sayo.

PASALAMATAN MO.

Pero higit sa lahat, ang dapat mo talagang unang pasalamatan ay walang iba kundi ang SARILI MO.

Dahil good news, graduate na ako. Salamat, ‘di ka sumuko.

Nakakainip. Pero sa dulo, ‘di na kung ilang taon sa college ang bibilangin eh. Matanong nga kita,

Ilang pagsubok na ang iyong kinaya? Ilang tao sa buhay mo ang di ka sinukuan, di ka iniwanan habang nasa ilalim ka? At sa bawat gabi na humagulhol ka, ilang umaga ang bumangon kang puno ng pag-asa?

Sa mata ni Lord, walang bilangan.

Sabi nga ng tropa ko, ‘Hindi ka man grumaduate on time, at least, in time.

Konti pang tiis.
Konti pang hintay.
Tuloy ang buhay.”

Czesca Angelica P. dela Rama
2011030299
University of Santo Tomas
BS Electronics Engineering ’11-’14
BSBA Business Economics ’14-’17
Dapat Batch 2016. Naging Batch 2017.
CUM LAUDE SA PAGLABAN

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s