Ayoko Nang Matali

Sa kaibigang di mapagkakatiwalaan

Sa syotang walang pakielam

Sa estrangherong kinaiinggitan

Sa magulang na di nagpaparamdam

Sa iniibig kong iba na ang mahal

 

Sa matrikulang di makatarungan

Sa maestrang  walang pinagbibigyan

Sa kursong di ako nasisiyahan

 

Sa trabahong mabagal ang pera

Sa gobyernong di gumagawa ng paraan

Sa pulisyang di maaasahan

Sa batas na kulang sa lohika

Sa bansang bahagya ng umunlad

 

Sa nakaraang di makalimutan

Sa kasalukuyang puro problema

Sa kinabukasang walang kasiguraduhan

 

Sa planong malabo na

Sa pangarap na napakataas pa

Sa paghintay na walang kamatayan

Sa pag-iyak na walang napapala

Sa tadhanang di mapapalitan

 

Sa mundong mapanghusga

Sa lipunang mataas ang batayan

Sa mga tanong na walang kasagutan

 

Ayoko na.

Nakakasawa na.

 

Ang gusto ko ay matali

At mahigpit na puluputin

Ng seguridad na tayo ay may KARAPATAN

At kalayaan na pumili

Upang hindi na muli matali

Sa boses na hindi atin

Advertisements

2 thoughts on “Ayoko Nang Matali

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s