LIVE-IN

Maganda naman ako ah?
Iiwan mo raw ako, sabi nila!
Eh ang tagal na kaya nating live-in.

Bakit?

Pangit na ba ang bahay? Kulang ba ang pagkain?
Dinadaya ba tayo ni Manang sa singil ng renta?

Sige na.

Mangungutang na ako – wag ka lang umalis.
Pinturahan natin ang dingding, walisin natin ang sahig…
Ayos lang ba, tulungan tayo?

Oh!

Ayan nakatingin ka na naman sa iba!
Sagutin mo nga, kailan ka ba huling nagandahan sakin?

– Pilipinas